SHRINE OF VALOR
- Lakbay GABay
- Sep 29, 2019
- 1 min read
Mga suggestion ng Lakbay GABay na mga lugar na maaaring punta sa bataan. Una na dito ang makasaysayang Dambana ng kagitingan (Shrine of Valor) na matatagpuan sa Pilar Bataan. Kung nais pumunta ng mga turista dito ay madali lamang, kung ikaw ay galing sa Maynila pwede kang sumakay sa Bataan Transit na byaheng Mariveles Bataan at maari kang bumaba sa Pilar Bataan. Sabihin lamang sa driver o kundoktor na ikaw ay papunta sa Mt. Samat at alam na nila kung saan ka ibababa. Kung may sarili naman kayong sasakyan at nagmula kayo sa maynila maari niyong bagtasin ang NLEX at mag exit sa San Fernando Exit. Maraming mga Sign Boards na makikita kaya hindi ka maliligaw. Maari rin na gumamit ng WAZE upang mas maayos na makarating sa Pilar Bataan. Pag dating sa Mt. Samat ay may entrance fee na hindi ganon kasakit sa bulsa 20 pesos lang ito at kung gusto mo/niyo ng overwhelming view ay pwedeng pwede rin sa halagang 10 pesos per head. Kaya naman ano pa ang hinihintay mo? Isama na ang buong barkada at magbalik tanaw sa kasaysayan!!!
Komentarze